Mar Roxas tatakbong senador sa 2019

By Den Macaranas October 15, 2018 - 05:42 PM

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Makaraan ang ilang linggong pag-iisip at pakikipag-laban sa sarili ay nagpasya na si dating Interior Sec. Mar Roxas na tumakbong senador sa susunod na halalan.

Sa kanyang video na inilabas sa Facebook, sinabi ni Roxas na batid niya na may pananagutan ang bawat tao sa isa’t isa at ito ang nagtulak sa kanya para muling pumalaot sa pulitika.

Imbes na mapabuti, sinabi ni Roxas na mas lalong nalugmok sa kahirapan ang sambayanan dahil sa ilang polisiya ng kasalukuyang pamahalaan.

Inihalimbawa rin ni Roxas ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin at petrolyo.

Ipinaliwanag rin ng dating kalihim na handa na siya sa lahat ng mga puna at paninira na posible niyang makaharap sa desisyon na bumalik sa senado.

Nilinaw rin ni Roxas na walang nagtulak sa kanya para magbago ang isip at siya mismo ang nagdesisyon na muling maglingkod bilang isang mambabatas.

Nauna nang sinabi ng ilang mga kaalyado ni Roxas sa Liberal Party kailangan nila ang tulong ng dating mambabatas para matiyak na maging malakas ang kanilang grupo sa susunod na halalan.

TAGS: duterte, liberal party, Mar Roxas, Senate, duterte, liberal party, Mar Roxas, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.