Erap hindi makikialam sa posibleng labanan sa senado nina JV at Jinggoy

By Den Macaranas October 15, 2018 - 05:37 PM

“Ano ang gusto niya ako pa ba ang lalapit sa kanya”?

Yan ang tugon ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada kaugnay sa umano’y pagtatampo ni Sen. JV Ejercito dahil sa hindi nito pagpigil kay dating Sen. Jinggoy Estrada na muling tumakbo bilang senador.

Nauna nang sinabi ni Ejercito na hindi siya masyadong natulungan ng kanyang ama noong siya’y tumakbo bilang senador noong 2013 dahil busy rin ang dating pangulo sa paghahanda sa pagtakbo bilang mayor sa Maynila.

Sinabi ni Estrada na hindi magiging mayor ng San Juan City at lalong hindi magiging senador ang kanyang anak kundi dahil sa kanya.

“Pareho naman silang hindi kilala….mananalo ba sila kundi dahil sa akin”, pahayag ni Estrada.

Binanggit rin ng dating pangulo na malalaki na ang kanyang mga anak kaya ipauubaya na niya sa mga ito ang desisyon kung siya’y parehong tatakbo bilang mga senador o magbibigay daan ang isa sa kanila.

“Kung ang ibang tao natutulungan ko sa kanilang pagtakbo sa pulitika…mga anak ko pa kaya”, dagdag pa ng dating pangulo.

TAGS: COC, Erap, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, manila, san Juan, Senate, COC, Erap, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, manila, san Juan, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.