Bong Go inihatid ni Duterte sa Comelec
Personal na inihatid ni Pangulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).
Si Go ay pormal nang nagsumite ng kanyang certificate of candidacy para sa 2019 senatorial elections.
Pero bago yan ay maaga pa lamang ay nagkalat na sa paligid ng Palacio Del Gobernador sa Intramuros ang mga tagasuporta ni Go.
Bago ang pagpunta sa Comelec ay nagsimba muna sa San Miguel Church si Go kung saan ay naging emosyonal siya sa kanyang pahayag na magbibitiw siya bilang special assistant ng pangulo.
Mula sa simbahan ay kaagad siyang nagpunta sa Malacañang kung saan ay pormal niyang iniabot sa pangulo sa kanyang resignation.
Pasado alas-kwatro ng hapon ay personal na sinamahan ng pangulo si Go sa Comelec na ayon sa pangulo ay pagsisimula ng political carreer ng kanyang matagal nang tauhan.
Kasama rin nilang dumating sa Malacañang sina Executive Sec. Salvador Medialde, Communications Sec. Martin Andanar at Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.
Nauna nang sinabi ni Go na sakaling palarin sa Senado ay prayoridad niya ang pagsusulong ng libreng medical benefits sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.