James Jimenez nagbitiw bilang source code focal person

Inquirer file photo

Nagbitiw si Comelec spokesman James Jimenez bilang tagapagsaliat sa mga isyu kaugnay sa source code.

Mas minabuti ng opisyal na magbitiw sa nasabing posisyon makaraan ang aksidente paglabas sa kanyang presentation ng sexy picture ng actress na si Jessy Mendiola.

Napag-alaman na si Jimenez ang speaker sa isang forum sa De La Salle University noong Sabado kaugnay sa paggamit ng source code sa mga makinang ginagamit sa automated election.

Personal na computer ni Jimenez ang kanyang ginamit sa presentasyon at nang bumalik ito sa default screen ay hindi sinasadyang lumitaw ang larawan ni Mendiola na nakasuot ng bikini.

Napag-alaman rin na ang nasabing larawan ang wallpaper sa computer ng opisyal.

Kaagad namang humingi ng paumanhin si Jimenez kasabay ng pagsasabing hindi angkop sa kanyang presentasyon ang nasabing larawan.

Read more...