Sen. JV Ejercito naghain na ng COC sa Comelec

By Den Macaranas October 15, 2018 - 02:53 PM

Nakahanda si Sen. JV Ejercito na makasabay o kaya ay makalaban sa darating na halalan ang kanyang kapatid na si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Bago magtanghali kanina ay naghain na si Ejercito ng kanyang certificate of candidacy sa punong tanggapan ng Commission on elections (Comelec) sa Maynila.

Nauna dito ay rin ni Estrada na nakahanda siyang bumalik sa Senado makaraan siyang makakuha ng mataas na percentage sa ilang mga political survey.

Samantala, sinabi naman ni Ejercito na gusto niyang ituloy ang kanyang mga proyekto sa Senado kabilang na ang pabahay at alternatibong mapagkukunan ng suplay ng kuryente.

Kamakailan ay lumabas rin ang mga ulat na nagtampo si Ejercito sa kanyang ama na si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa hindi nito pagpigil sa pagtakbo ni Jinggoy sa Senado.

Noong 2013 senatorial election ay nakakuha si Ejercito ng higit sa 13 million boto kung saan ay 11th place siya sa hanay ng mga nanalong senador.

TAGS: comelec, Ejercito, Erap, Estrada, Senator, comelec, Ejercito, Erap, Estrada, Senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.