Tubig sa Boracay garantisadong malinis na ayon sa DENR

Inquirer photo

Aminado si Environment Sec. Roy Cimatu na pati siya ay nagulat sa laki ng pagbabago na mayroon ngayon sa isla ng Boracay.

Sinabi ng opisyal na siya mismo ang magbibigay ng garantiya na ligtas para sa swimming at iba pang water activities ang isla anim na buwan makaraan itong isailalim sa rehabilitasyon.

Dumaan sa pagsusuri ang tubig sa isla na rumehistro sa 18.1 mpn (most probable number) per 100 ml of coliform na pasok sa world standard.

Sa pagsisimual ng dry run ngayong araw bago ang nakatakdang reopening sa publiko sa October 26 ay sinabi Cimatu na mahigpit ang kanilang gagawing pagmomonitor sa kabuuan ng isla.

Titiyakin umano nilang nakasusunod sa lahat ng mga environmental requirements ang lahat ng mga establishemento doon.

Katuwang ng DENR ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourisim sa pagbabantay sa kaayusan ng Boracay.

Sa pinakahuling tala ay umaabot lamang sa 68 mga establishimento ang binigyan ng go signal ng pamahalaan para mag-operate ng negosyo sa isla.

Pinapayuhan rin ang mga turista na tiyaking DOT-accredited ang kanilang mga tutuluyang hotel sa Bocaray dahil kung hindi ay hindi sila papayagang pumasok sa isla.

Read more...