LOOK: Party-list groups sunud-sunod na dumating sa Comelec para sa day 3 filing ng COC at CONA
Ngayong ikatlong araw ng paghahain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) dagsa din ang mga party list group para magsumite ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Sa pagbubukas ng day 3 ng COC filing unang naghain ng CONA ang mga party list groups na ISOGDABAW at Talino at Galing ng Pinoy o TGP.
Nakapaghain na rin ng kanilang CONA ang AKO Party-list o Ayoko sa Bawal na Droga at ang RAM Party-list o Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa.
Ang Magdalo Party-list naghain na rin ng CONA na sinamahan pa ni Senator Antonio Trillanes IV bilang suporta.
Naghain na din ng kanilang CONA ang Akbayan Party-list group na sinamahan ni Sen. Risa Hontiveros at dating CHR Chairperson Etta Rosales.
Gayundin ang Bayan Muna Party-list kung saan kabilang sa kanilang mga nominado ay sina Rep. Carlos Zarate, Ferdie Gaite, at Eufemia Cullamat.
Ang iba pang party-list groups na naghain ng CONA ay ang GLOBAL Workers and Family Federation at 1-APTO o Alliance of Public Transport Organization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.