LOOK: Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 12:01 PM

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:45 ng umaga, nakasaad na uulanin sa loob ng susunod na dalawang oras ang Metro Manila, Rizal, Quezon, Cavite, Nueva Ecija, Zambales at Pampanga.

Malakas na pag-ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa nasabing mga lugar.

Habang ang Alaminos at Bay sa Laguna; Sto. Tomas, Tanauan, Talisay at Malvar sa Batangas ay nakararanas na ng pag-ulan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

TAGS: Metro Manila, Pagasa, Radyo Inquirer, thunderstorm advisory, weather, Metro Manila, Pagasa, Radyo Inquirer, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.