Mga tauhan ng PCOO pinaghahanda na sa napipintong pagbuwag sa tanggapan

By Chona Yu October 15, 2018 - 11:11 AM

Ngayon pa lamang pinaghahanda na ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanyang mga kasamahan sa posibilidad na mawalan ng trabaho sakaling buwagin na ang kanilang tanggapan at ibalik ang Office of the Press Secretary.

Ayon kay Andanar, co-terminus ang mga undersecretary at assistant secretary.

Hindi aniya permanente ang trabaho nila o kinalalagyan, sa halip ay nagsisilbi sila sa pleasure ng pangulo ng bansa.

Kumpiyansa naman si Andanar na mga propesyunal ang mga taga PCOO at tatalima sa kung ano ang ipag-uutos ng pangulo.

Hindi rin aniya kapit-tuko sa puwesto ang mga taga PCOO.

Sa ngayon, pinayuhan ni Andanar ang nga taga PCOO na atupagin pa rin ang trabaho habang wala pang inilalabas na executive order ang Pangulong Duterte para sa pagtatatah ng OPS.

TAGS: Martin Andanar, pcoo, Martin Andanar, pcoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.