LOOK: Sen. Grace Poe naghain ng COC; muling tatakbong senador bilang independent candidate

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 10:44 AM

Comelec Photo

Naghain na rin ng kaniyang certificate of candidacy si Senator Grace Poe.

Muling tatakbong senador si Poe bilang independente candidate.

Kasama ni Poe na nagtungo sa Comelec ang kaniyang ina na si Susan Roces.

Sinabi ni Poe na sinuportahan nila ang TRAIN law dahil sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan ng pondo ng gobyerno.

Mayroon naman aniyang mga inilalatag na pamamaraan sa mga pinakamahihirap na mamamayan na naapektuhan.

Ang problema ani Poe, nakulekta na ng gobyerno ang pera mula sa mga dagdag na buwis na ipinataw sa TRAIN law pero ang tulong sa mga mahihirap ay hindi naibibigay ng mabilis.

Naniniwala si Poe na kailangang pag-isipang mabuti ng gobyerno ang nakatakdang pagpapatupad ng TRAIN 2.

TAGS: COC Filing, comelec, Day 3, elections, grace poe, COC Filing, comelec, Day 3, elections, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.