Nagsumite ng kaniyang certificate of candidacy sa pagka-senador si Maguindanao 2nd District Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu.
Tatakbong senador si Mangudadatu sa 2019 midterm elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Sinamahan si Cong. Mangudadatu ng kaniyang mga kapatid na sina Maguindanao Governor “Toto” Mangudadatu, Jong Mangudadatu, ARMM Assemblyman Toy Mangudadatu, at Mayor Freddie Mangudadatu.
Sa panayam tinanong si Cong. Mangudadatu ng kaniyang opinyon tungkol sa political dynasties.
Aniya wala siyang komento hinggil dito dahil ang mas mahalaga ay ang serbisyo na naibibigay sa publiko anuman ang apilyido ng isang pulitiko.
MOST READ
LATEST STORIES