Sen. Cynthia Villar naghain na ng COC

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 09:39 AM

Comelec Photo

Si Senator Cynthia Villar ang unang naghain ng kaniyang certificate of candidacy ngayong araw sa Comelec.

Sinamahan si Villar ng kaniyang asawa na si dating Senador Manny Villar.

Tatakbo si Villar sa ilalim ng Nationalista Party.

Umaasa naman si Villar na hindi makakaapekto sa kaniyang kandidatura bilang reelectionist ang pagboto niya sa TRAIN law.

Inamin ni Villar na noong ipasa nila ang TRAIN law ay hindi nila naikunsidera ang mga sektor na maaring mag-abuso dito.

Gaya na lamang aniya ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na epekto ng pag-aabusyo ng mga traders.

TAGS: COC Filing, comelec, cynthia villar, elections, COC Filing, comelec, cynthia villar, elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.