Sa awarding ceremony na ginanap Linggo ng gabi sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao, pinarangalan ang naturang awit ni Gloc 9 na tumatalakay sa matinding traffic sa Metro Manila.
Nagpasalamat naman sa Gloc 9 sa mga nasa likod para mabuo ang awit na aniya ay patungkol sa araw-araw na dinaranas ng mga mamamayan.
Relate na relate ang mga motorista sa naturang awitin ni Gloc 9 kung saan tinalakay ang matinding kalbaryo na dinaranas ng mga motorista at mga pasahero araw-araw.
Maliban sa traffic ay binanggit din sa kanta ang problema na nararanasan ng mga commuter sa LRT at MRT.
Tinalo ng nasabing kanta ni Gloc 9 ang iba pang nominado na “Labo” ni KZ Tandingan at “Titibo-Tibo” ni Moira Dela Torre.
Naiuwi naman ni Moira ang “Best Song Written for Movie” award para sa kanta niyang “Saglit”.
At tila comeback naman ito para sa 90s rock band na Rivermaya matapos itanghal na “Best Alternative Recording” ang single nilang “Manila”.
Big winner din ang rapper na si Shanti Dope makaraang itanghal na “Best Hiphop Recording” ang awit iyang “Nadarang”.
Ang “Awit Awards” ay taunang parangal ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) na nagbibigay pagkilala sa music industry.