Mga nagwagi sa Ultra Lotto, taga-Eastern Samar at Albay; video ng pag-claim ng premyo ilalabas ng PCSO

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 06:28 AM

Inilabas na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lugar ng lotto outlet kung saan tumaya ang dalawang nanalo ng Ultra Lotto jackpot.

Ayon sa PCSO, ang dalawang maswerteng nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Lucky Circle Corporation sa SM City, Legazpi City, Albay at ang isa ay sa Barangay H, Borongan, Eastern Samar.

Kung ibabawas ang 20 percent na tax, nasa mahigit 470 million pesos ang maiuuwing premyo ng dalawang mananaya.

Matapos ianunsyo na may tumama na sa Ultra Lotto, marami ang nag-comment sa Facebook Page ng PCSO na tila nagdududa kung talagang may nanalo.

Dahil dito, sinabi ng PCSO na ilalabas nila ang video ng pag-claim ng premyo ng mga nanalo.

Gayunman, hindi pwedeng ipakita ang mukha at pagkakakilanlan ng mga ito para na rin sa kanilang kaligtasan.

TAGS: Jackpot winners, pcso, Radyo Inquirer, Ultra Lotto, Jackpot winners, pcso, Radyo Inquirer, Ultra Lotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.