Mag-anak arestado sa operasyon ng PDEA sa Quezon City

Arestado ang pitong magkakamag-anak matapos salakayin ng mga otoridad ang isang bahay sa Sikatuna Village, Quezon City.

Bitbit ang isang search warrant ay sinalakay ng pinagsanib-pwersang Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR), Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU), at QCPD Station 9 ang bahay ng drug suspek na nakilalang si Noli Roque na siyang pangunahing target ng operasyon.

Nang halughugin ng mga otoridad ang bahay ni Roque ay doon nasamsam ng mga otoridad ang 13 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang may bigat ito na 10 gramo at mayroong street value na P68,000.

Nakuha rin mula sa bahay ang iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Bukod kay Roque ay arestado rin ang kanyang mga kasamahan na sina Rolly Roque na isa ring target ng operasyon, Merlita Roque, Jelle Lumabi, Isaac Cadawag, Laila Roque, at Federico Roque.

Mahaharap ang pitong mga drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...