Pagkakatalaga kay Teddy Boy Locsin sa DFA ikinatuwa ng CBCP

By Justinne Punsalang October 14, 2018 - 11:01 PM

Nagpahayag ng kahandaan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na makipagtulungan sa pamahalaan upang asistehan ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa isang panayam.

Ikinatuwa rin ni Bishop Santos ang pagkakatalaga kay Teddy Boy Locsin bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Umaasa aniya siya na sa pamamagitan ni Locsin ay mapapalawig pa ang pagtiyak sa kaayusan ng mga OFW, at masiguro na mapoprotektahan ang kanilang mga karapatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.