Senador Ejercito masaya sa planong suspensyon ng excise tax

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 12:08 AM

Ikinatuwa ni Senador JV Ejercito ang balita tungkol sa pagkukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suspensyon ng ikalawang bugso excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa isang pahayag, sinabi ng senador na masaya siya dahil patunay lamang ito na nakikinig ang pangulo sa mga suhestyon na ibinibigay sa kanya.

Tinukoy ni Ejercito ang liham na ipinadala ng majority bloc ng Senado kay Pangulong Duterte na humihimok dito na suportahan ang panukala ng Kamara at Senado na suspendihin ang pagpapataw ng karagdagang excise tax sa mga oil products.

Ani Ejercito, pangunahing rason ng pagbisita sa ilang mga senador sa Palasyo ng Malacañan ilang linggo na ang nakalipas ay himukin ang punong ehekutibo na suspendihin ang pagpapataw ng excise tax sa 2019 dahil dagdag lamang ito sa pasanin ng mga mamamayan lalo pa’t mataas na ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.