Plebesito para sa pederalismo posibleng maganap sa Pebrero 2019 ayon sa isang mambabatas

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 12:58 AM

Mayroong posibilidad na sa Pebrero 2019 na magaganap ang plebesito na maglilipat sa porma ng pamahalaan patungong pederalismo.

Ayon kay Leyte Representative Vicente Veloso na isa sa mga nagsusulong ng panukalang charter change sa Kamara at pinuno ng House committee on constitutional amendments, pwedeng matapos na ng Mababang Kapulungan ang deliberasyon sa bagong konstitusyon sa buwan ng Disyembre.

Nang tanungin naman tungkol sa naunang pahayag ng mga senador na hindi makalulusot sa Senado ang Cha-Cha, sinabi lamang ni Veloso na kalahati lamang ng Kongreso ang Senado.

Samantala, muling nilinaw ni Veloso na walang kinalaman si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa draft transitory provision na nagtanggal kay Vice President Leni Robredo sa line of succession sa pagkapangulo.

Aniya, mismong si Arroyo pa ang nag-utos kay Majority Leader Rolando Andaya Jr. na i-recall ang draft ng federal chapter at ibalik ito sa committee level para ayusin ang line of succession.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.