8 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 03:38 AM

Contributed photo

Kabilang ang isang babae sa walong naaresto ng mga otoridad matapos magsagawa ng drug buy bust operation sa Barangay Payatas B, Quezon City.

Nakilala ang pangunahing target ng operasyon na si Jeffrey Malicden alyas Epong, 35 taong gulang at isang cellphone technician na siyang tulak ng iligal na droga.

Naaresto rin si Antonio Morado, 47 taong gulang na siya namang may-ari ng bahay na ginagawang drug den.

Habang ang anim na iba pa na sina Maricris Agustin, Dennis Jorado, Eddie Abogado, Jesus Cuyugan, Ramon Sandico, at Yroll Lara ay pawang nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng sinalakay na bahay.

Narekober mula sa mga drug suspek ang pitong sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at buy bust money.

Dahil dito ay mahaharap ang walo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.