4 na estudyante arestado sa buy bust operation sa Maynila

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 03:21 AM

MPD Station 5

Timbog ang apat na mga estudyante na pawang mga tulak ng ecstasy matapos magsagawa ng operasyon ang mga pulis sa Malate, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Adrielle Mercado, 21 taong gulang; Maico Estrella, 22 taong gulang; Jan Andre Sanchez, 18 taong gulang; at Matthew Reyes, 21 taong gulang.

Narekober mula sa mga drug suspek ang apat na plastic na naglalaman ng kabuuang 225 piraso ng berde at bughaw na tabletas at hinihinalang mga ecsasy, isang plastic na naglalaman ng marijuana, at isa pangpastic na naglalaman naman ng high grade marijuana o kush.

Nakuha rin mula sa mga ito ang ilang drug paraphernalia at isang sasakyan na posibleng gamit ng mga suspek sa kanilang mga transaksyon.

Nabatid na mga mag-aaral na mahilig mag-party ang parokyano ng mga tulak.

Dahil dito ay mahaharap ang apat na mga estudyante sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.