Proteksyon para sa Chinese community sa bansa, tiniyak ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 01:52 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proteksyon ng Chinese community sa bansa mula sa mga kidnappers at kurakot na mga kawani ng gobyerno.

Sa isang speech sa isang wedding reception sa Pasay City, sinabi ng pangulo na kadalasan kasing biktima ang mga Chinese ng extortion o hindi kaya ay ng kidnaping.

Ang iba pa nga anya ay dinudukot at pinapatay.

Samantala, iginiit din ng pangulo na bukas siya para sa mga Chinese businessman na magsusumbong tungkol sa nararanasang korapsyon sa gobyerno.

Anya, isang bulong ng mga Chinese businessmen kung sinong kawani ng gobyerno ang nangikil ay sasampalin niya mismo ang mga ito sa kanilang harapan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.