Poe, nanguna sa isang commissioned senatorial preferences survey ng SWS

Nangunguna sa isang commissioned senatorial preference survey ng Social Weather Stations (SWS) si incumbent Sen. Grace Poe.

Taliwas ito sa isang survey din ng SWS na ipinagawa ni Francis Tolentino kung saan si Sen. Cynthia Villar ang nangunguna.

Sa survey na ‘commissioned by’ Alde Joselito Pagulayan nakakuha si Poe ng 52 percent.

Sinundan siya ng mga babae ring mambabatas na sina Villar na may 46 percent; Taguig Congressman Pia Cayetano na may 37 percent at Sen. Nancy Binay na may 31 percent.

Panglima at pang-anim sina dating Senador Lito Lapid at Sen. Koko Pimentel na nakakuha ng tig-30 percent.

Sinundan sila nina dating Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Sonny Angara, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating Senador at dating DILG Sec. Mar Roxas at ang kumumpleto sa listahan ng top 12 ay si Sen. Bam Aquino.

Read more...