Pangulong Duterte dumalo sa launching ng libro ni FVR sa Manila Hotel

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 01:08 AM

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa launching ng libro ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Manila Hotel.

Ang naturang libro ay may pamagat na ‘Prosper Thy Neighbor’.

Sa kanyang talumpati, binati ng pangulo si Ramos sa matagumpay nitong book launch.

Hiling niya anya ang maayos na kalusugan para sa dating pangulo at inihayag na sana ay tumagal pa ito ng 100 taon dahil kailangan pa umano ng bansa si Ramos.

Walang hanggan anya ang pasasalamat ng Pilipinas sa naging pamumuno nito.

Ayon kay Duterte, ang libro ni Ramos ay nagsasalarawan sa mahalagang papel ng presidente bilang tagapagtaguyod at tagapagbuklod ng bansa.

Samantala, tiniyak naman ng presidente kay FVR na sinosolusyonan ng kanyang administrasyon ang problema sa kahirapan at kagutuman, kawalan ng trabaho, korapsyon, kriminalidad, droga at mga suliraning hinaharap ng kapaligiran.

Bilang ganit ay nagpasalamat naman si Ramos kay Duterte sa pagdalo nito sa kanyang book launch at nagpaalala na marami pang kailangang gawin upang matamo ng Pilipinas ang pag-unlad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.