Pangulong Duterte: Walang problema kung mamatay ako

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 03:01 AM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat maging isyu ang kamatayan sa sinuman.

Sa isang talumpati sa Manila Hotel, sinabi ng pangulo na ang kamatayan ay isang pangyayari na hindi maiiwasan ng kahit sinong tao.

Ang pahayag ng pangulo ay kasunod ng mga ispekulasyon tungkol sa kanyang kalusugan matapos umaming sumailalim sa ilang medical tests.

Ayon sa presidente, totoo namang mamamatay siya sa hinaharap at walang problema rito.

“Me, they said that I’m dying. Of course, I will die someday. Walang problema ‘yan’, ani Duterte.

Nilinaw na rin ng pangulo ang tungkol sa pangingitim ng kanyang mukha na una nang pinalutang ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Ayon kay Duterte, ang discoloration sa kanyang mukha ay nangyari matapos ang kanyang pagpunta sa Jordan kung saan mayroon anya siyang dinaluhang event ng militar na hindi niya umano pwedeng banggitin sa publiko.

Nauna nang itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may malubhang sakit ang pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.