2 drug suspek patay sa engkwentro sa Maynila

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 03:41 AM

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang dalawang drug suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Kinilala lamang ang mga napatay na tulak ng ipinagbabawal na gamot sa alyas na Novo at Jury.

Batay sa impormasyon mula sa pulisya, nagkasa ng drug buy bust operation ang mga elemento ng Moriones Police Station laban sa mga suspek sa tulong ng isang informant.

Matapos magkaabutan at tanggalin ng pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ang kanyang cap bilang senyales sa mga kasamahan, napansin ni alyas Jury na pulis pala ang katransaksyon.

Agad nitong sinabihan si alyas Novo na siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis. Bagaman napaupo dahil sa tama ng bala ay maswerteng sa bullet proof vest lamang ito tinamaan.

Agad na gumanti ng putok ang mga kasamang pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang tulak ng droga.

Sinubukan pang isugod sa Gat Andres Bonifacio ang mga ito ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang kabuuang 14 piraso ng plastic sachet ng shabu at dalawang kalibre 38 revolver na kapwa kargado ng mga bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.