128 na bagong kaso ng HIV naitala noong Agosto dahil sa transactional sex

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 01:40 AM SHARE(S):

Lumalabas sa ulat ng Department of Health (DOH) na mayroong 1,047 na bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) infection ang naitala para sa buwan ng Agosto.

Labing-dalawang porsyento rito o 128 na kaso ay dahil sa transactional sex.

Sinabi ng DOH na ang transactional sex ay may dalawang uri. Ito ay yaong mga taong nagbabayad o nagpapabayad ng pera kapalit ang sex.

Sa record ng DOH, sa mga bagong kaso ng HIV noong Agosto, 44 na lalaki at tatlong babae ang nagpabayad kapalit ng sex.

Animnapu’t dalawang lalaki naman ang nagbayad kapalit ng naturang aktibidad.

Dahil dito, mula Enero hanggang nitong Agosto, pumalo na sa 941 ang bagong HIV cases na iniuugnay transactional sex.

TAGS: Health, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.