FEU tinalo ng UST sa UAAP men’s basketball

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 12:04 AM

Muling pinabagsak ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang Far Eastern University Tamaraws sa kanilang ikalawang tapatan para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Natapos ang laro kagabi sa Mall of Asia Arena sa iskor na 78-70.

Dahil dito, 4-4 na ang win-loss record ng Tigers na nasa ikalimang pwesto. Ito ang ikatlong sunod na panalo ng koponan.

Ang Tamaraws naman ay nananatuling hawak ang ikatlong pwesto at mayroong 5-3 win-loss record.

Ayon kay UST head coach Aldin Ayo, madaling i-coach ang miyembro ng kanyang koponan dahil konektado ang bawat isa sa kanilang mga teammates.

Pinangunahan ni Zach Huang ang Tigers matapos niyang makapagbigay ng career-high na 20 points at 6 rebounds.

Para naman sa FEU, si Richard Escoto ang nagbitbit sa koponan sa pamamagitan ng kanyang 12 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.