Kapistahan at prusisyon ng La Naval de Manila, dinagsa ng libu-libong deboto

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 04:01 AM

Ginanap ang pinakamalaking Marian celebration sa Metro Manila kahapon, araw ng Linggo, kapistahan ng Birhen ng Santo Rosaryo ng La Naval de Manila.

Libu-libong deboto ang nakiisa sa mga misa at engrandeng prusisyon sa karangalan ng birhen.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na inaasahan nilang nasa 30,000 katao ang lalahok sa prusisyon ng La Naval de Manila na siya ring patrona ng lungsod ng Quezon.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Maria: Huwaran ng Kabanalan”.

Sa kanyang homilya, muling ipinaalala ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang naging papel ng panalangin sa La Naval de Manila sa naging tagumpay ng Filipino at Spanish forces laban sa mga Dutch invaders noong 1646.

Ngayong Oktubre na Buwan ng Santo Rosaryo ay iginiit din ng obispo ang kahalagahan ng rosaryo bilang panalangin ‘ng’ pamilya na anya ay panalangin din ‘para sa’ pamilya.

Hinimok ni Ongtioco ang mga Katoliko na iwasan ang mabilis na pagdarasal ng rosaryo at sa halip ay namnamin at buong debosyon itong gawin.

Ang imahen ng La Naval ay ang pinakamatandang Catholic image sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.