P200K naabo sa sunog sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 03:02 AM

COURTESY: John Limwelle Lectura

Tinupok ng apoy ang anim na kabahayan sa loob ng UP Campus sa Dilimasn, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) Inspector Rosendo Cabillan, nagsimula ang sunog sa bahay ni Estrella Barota.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab bandang alas-12:28 ng hatinggabi at naapula makalipas ng halos isang oras.

Hinala ng mga residente, naiwang nakasinding kandila ang dahilan ng sunog dahil walang kuryente sa bahay ni Barota.

Nasugatan sa kamay ang isang residente ngunit agad naman itong nalapatan ng lunas ng mga rescuers.

Sa kabuuan, P200,000 halaga ng ari-arian ang naabo dahil sa sunog at 10 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa tunay na sanhi ng pagliliyab.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.