Bureau of Supply pinag-iisipang muling buuin ni Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 02:30 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buuin ang Bureau of Supply upang makatulong sa pagsugpo ng kurapsyon sa bansa.

Sa kanyang kanyang talumpati sa paglulunsad ng libro ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na pinamagatang “Prosper Thy Neighbor,” ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na ang naturang kagawaran ang magiging incharge sa pag-canvass ng mga bibilhin ng pamahalaan.

Paliwanag ng punong ehekutibo, ang Bureau of Supply ay nasa ilalim ng General Services Department sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dapat aniya, kung bibili ang pamahalaan ng anumang gamit, nasa tatlo o apat na porsyento lamang ang commission, ngunit kung aabot ito sa sampu o dalawampu o higit pang porsyento ay malinaw na mayroong kurapsyong nangyayari.

Trabaho umano ng General Services office na magkumpara ng mga presyo ng bibilhin ng pamahalaan at agad ipaalam sa pangulo kung masyado bang mahal ang mga planong bilhin.

Hindi naman malinaw kung ang trabaho ng bagong opisina ay mag-ooverlap sa trabaho ngayon ng Commission on Audit (COA).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.