2 hanggang 3 bagyo inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taon – PAGASA

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 12:25 AM

Posibleng nasa dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang manalasa sa bansa bago matapos ang taong ito ayon sa PAGASA.

Sa ngayon, may 17 bagyo na ang dumaan sa bansa.

Kamakailan lang ay sinabi ng weather bureau na ang mga bagyo sa huling bahagi ng taon ay kadalasang tumatama sa kalupaan.

Samantala, hindi naman nakakakita ng kahit anong sama ng panahon sa loob ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Sa ngayon ay nakakaapekto lamang ang intertropical convergence zone (ITCZ) at magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan sa Palawan, Eastern Visayas at Mindanao.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.