Binuksan na para sa mga motorista ang Sevilla Bridge.
Alas-6 pa ng umaga kanina dapat binuksan ang naturang tulay ngunit dahil sa aberya ay naabala ang pagpapadaan dito ng mga motorista.
Ayon sa mga traffic enforcers, bandang alas-12 ng tanghali nang tuluyan nang buksan ang Sevilla Bridge na nag-uugnay sa mga lungsod ng Maynila at Mandaluyong.
Kagabi, October 13 sa ganap na alas-11 ng gabi ng isara ang nasabing tulay upang magbigay daan sa kunstruksyon na ikatlong bahagi ng Metro Manila Skyway.
Sa ngayon ay balik-normal na ang daloy ng trapiko sa lugar matapos magkaroon ng pagsisikip sa daloy ng mga sasakyan dahil sa nabalam na muling pagbubukas ng Sevilla Bridge.
MOST READ
LATEST STORIES