AFP, kinontra ang P4-B ransom demand ng Abu Sayyaf

 

Walang balak ang militar na makipagnegosasyon sa mga Abu Sayyaf na may hawak sa apat na mga hostages na kinuha sa Samal Island.

Giit ni Lt. Gen. Rustico Guerrero, wala sa kanilang lebel ang makipag-negosasyon.

Ayon naman kay Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, naipagbigay-alam na nila ang demand ng mga ASG sa kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Hernando Irriberri.

Gayunman, direktiba aniya ni Irriberri ay ang striktong sundin ang ‘no ransom policy’ ng pamahalaan.

Hindi rin aniya ititigil ang military operation sa lalawigan ng Sulu kontra sa mga bandido.

Kahapon, isang bagong video ang ini-upload sa internet na ipinapakita ang apat na hostage na sina Canadians John Ridsdel, Robert Hall, Pilipino na si Marites Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na napapaligiran ng mga armadong Abu Sayyaf.

Sa naturang video, humihiling ang mga hostage ng tig-iisang bilyong pisong ransom mula sa kani-kanilang mga bansa upang ligtas na palayain ng kanilang mga abductor.

Read more...