AFP, kinontra ang P4-B ransom demand ng Abu Sayyaf

By Jay Dones November 05, 2015 - 04:39 AM

 

Samal-kidnap-victims-corrected-Robert-Hall-660x371Walang balak ang militar na makipagnegosasyon sa mga Abu Sayyaf na may hawak sa apat na mga hostages na kinuha sa Samal Island.

Giit ni Lt. Gen. Rustico Guerrero, wala sa kanilang lebel ang makipag-negosasyon.

Ayon naman kay Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, naipagbigay-alam na nila ang demand ng mga ASG sa kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Hernando Irriberri.

Gayunman, direktiba aniya ni Irriberri ay ang striktong sundin ang ‘no ransom policy’ ng pamahalaan.

Hindi rin aniya ititigil ang military operation sa lalawigan ng Sulu kontra sa mga bandido.

Kahapon, isang bagong video ang ini-upload sa internet na ipinapakita ang apat na hostage na sina Canadians John Ridsdel, Robert Hall, Pilipino na si Marites Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na napapaligiran ng mga armadong Abu Sayyaf.

Sa naturang video, humihiling ang mga hostage ng tig-iisang bilyong pisong ransom mula sa kani-kanilang mga bansa upang ligtas na palayain ng kanilang mga abductor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.