La Salle tinalo ang Adamson sa UAAP men’s basketball

By Justinne Punsalang October 14, 2018 - 05:01 PM

Naungusan ng De La Salle University Green Archers ang nangungunang Adamson University Soaring Falcons sa kanilang naging tapatan kagabi para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Ito ay matapos talunin ng Green Archers ang Soaring Falcons sa pamamagitan lamang ng isang puntos sa kanilang naging tapatan.

Natapos ang laro sa iskor na 79-78 pabor sa Archers.

Ito na ang ikalawang sunod na pagkatao ng Adamson. Una silang napabagsak ng Far Eastern University Tamaraws .

Dahil dito ay tie sa unang pwesto ang mga koponan ng Adamson, FEU, at Ateneo de Manila University Blue Eagles na pare-parehong may 5-2 win-loss record.

Pang-apat naman sa torneo ang La Salle na mayroong 4-3 win-loss record.

Pinangunahan ang Green Archers ni Aljun Melecio na nakapagbigay ng 21 puntos.

Para naman sa Falcons, si Sean Manganti ang nanguna sa pamamagita ng kanyang 23 points, 7 rebounds, at 4 assists.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.