Dating pulis tatakbo bilang vice mayor ng Maynila

Nagpahayag ng kanyang kagustuhang tumakbo bilang bise alkalde ng Maynila ang nagretirong pulis na si Chief Superintendent Elmer Jamias.

Sa isang pulong balitaan ay sinabi ng dating pulis na ilang mga kandidato sa pagka-mayor ang nag-offer na maging running mate siya, ngunit tinanggihan niya ito.

Sa halip ay tatakbo ang dating hepe ng Eastern Police District bilang isang independent candidate.

Pangako ni Jamias, lilinisin niya ang Maynila, maging sa loob ng munisipyo nito.

Taong 2015 nang maging kontrobersyal si Jamias matapos nito umanong pagbantaan at pulaan si dating Vice President Jejomar Binay. Pinangunahan kasi ng dating pulis ang pag-aresto kay dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Read more...