Bong Go hindi pa desidido sa pagkandidato sa 2019 elections

By Chona Yu, Isa Avendaño-Umali October 14, 2018 - 05:01 PM

Bagaman tatlong araw na lamang ang natitira para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC), wala pa ring pinal na pagpapasya si Special Assistant to the President Bong Go kung tuloy ang pagtakbong senador sa 2019 elections.

Ayon kay Go, hanggang sa ngayon, patuloy pa rin niyang tinitimbang kung ano ang magiging kapalaran sa 2019.

Giit ni Go, naghihinaty pa rin siya sa pinal na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakali pang tumuloy si Go sa pagtakbong senador, tiniyak ng kalihim na hindi pa rin niya iiwan si Pangulong Duterte.

Pero ayon kay Go, kapag tumuloy naman siya sa kanyang kandidatura, tiyak na marami ang kwalipikado na pumalit sa kanyang puwesto bilang special assistant to the president.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.