Bagong Spokesperson Salvador Panelo naghahanda sa unang press briefing sa Malacañan

Tiniyak ni Chief Presidential Legal Counsel at bagong Spokesperson Salvador Panelo na aalamin niya muna ang mga maseselan at mahahalagang isyu ng iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan bago magsimula ang regular press briefing sa Palasyo ng Malacañan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Panelo na ito ay para matiyak na masasagot niya ng maayos ang mga isyu na hinihintay ng taumbayan.

Ayon kay Panelo, sa ganitong paraan, maipaabot niya sa taumbayan ang mga programa na ginagawa ng pamahalaan.

Huwebes nang isiwalat ni Special Assistant to the President Bong Go na napili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Panelo upang humalili sa posisyon ni Spokesperson Harry Roque na sa ngayon ay naka-leave.

Read more...