9 mountain climbers patay sa pagtama ng snow storm sa Mount Gurja, Nepal

By Angellic Jordan October 14, 2018 - 05:20 PM

AP

Patay ang siyam na mountain climber makaraang tumama ang snow storm sa Mount Gurja, Nepal.

Dumating ang apat na mountain guides sa bahagi ng camp kung saan namamalagi ang South Korean climbing expedition nang tumama ang malakas na hangin at snow.

Dahil dito, limang South Korean at apat na Nepali ang kabilang sa grupo ng mga biktima ng snow storm.

Ayon kay Siddartha Gurung, chopper pilot sa retrieval operations, natagpuan na ang mga biktima at nasa proseso na para ibaba ang mga bangkay nito.

Napuntahan pa mismo ng rescue team ang remote site sa bahagi ng Dhaulagiri mountain range sa Annapurna region ng Nepal.

Sa pagsasalarawan ni Dan Richards ng Global Rescue, sinabi nitong parang nasabugan ng bomba ang camp site.

Pinangunahan ang expedition team ni South Korean climber Kim Chang-ho na nakaakyat na sa 14 na pinakamatataas na bundok sa mundo ng walang suporta ng supplemental oxygen.

Ani Richards, hindi pa nila maunawaan kung paano nangyari ang insidente sa kabila ng pananatili ng expedition team sa ligtas na lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.