Nuisance candidates hindi pipigilan ng COMELEC

Walang balak ang Commission on Elections (COMELEC) na pigilan ang mga nuisance o ang mga panggulong kandidato na maghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) para sumabak sa iba’t ibang posisyon sa 2019 elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na hamon ng kanilang tanggapan sa mga nuisance candidates na patunayang karapat-dapat silang magsilbi sa bayan.

Karapatan aniya ng bawat isa na kumandidato.

Pinaalahanan din ng COMELEC ang mga kakandidato na siguraduhing tama ang form ng COC na kanilang pagfifill-up-an.

Read more...