Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo na patunay ito na kinikilala ng Pilipinas ang karapatang pantao at pamamaraan ng paglaban ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.
Tutol ang Iceland at iba pang human rights group sa hakbang ng UNHRC dahil sa brutal na kampanya ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.
Ayon kay Panelo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga Filipino.
Kasabay nito, hindi pa matiyak ni Panelo kung magtatalaga ng bagong Permanent UN Ambassador ang Pilipinas matapos italaga ng punong ehekutibo si Ginoong Teddy Locsin bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs kapalit ni outgoing Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbong kongresista ng Taguig.