Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may apat na Pilipino ang nakakulong ngayon sa HongKong dahil sa pagdadala ng droga sa kanilang mga bagahe.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng DFA, nakuha sa hindi pinangalanang mga Pinoy ang aabot sa 2.49 kilo ng ipinagbabawal na gamot.
Ang mga ito aniya ay nagtangkang pumasok ng HongKong noong buwan ng September, 2015.
Nakausap na aniya ng Consulate General ng Pilipinas sa HongKong ang apat at bibigyan na rin ang mga ito ng kaukulang legal assistance.
Bagamat hindi nagpapataw ng parusang bitay, strikto pa rin ang HongKong sa mga mahuhulihan ng droga sa kanilang teritoryo.
Sa pinakahulig datos ng DFA, nasa 88 Pilipino ang nahaharap sa death penalty sa iba’t ibang bansa sa kasalukuyan, partikular sa Asya.
Kalahati sa naturang bilang ay may kinalaman sa pagbibitbit ng droga.