4 college students, arestado sa buy-bust ops sa Maynila

By Angellic Jordan October 14, 2018 - 10:57 AM SHARE(S):

Huli ang apat na college students sa ikinasang buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila.

Nakuha ng mga opisyal mula sa Manila Police District o MPD Station 5 drug enforcement team mula sa mga estudyante ang dalawang kilo ng marijuana sa bahagi ng C.M. Recto.

Ang mga suspek ay kinilala lamang sa mga pangalang Glen, 20-anyos; Richmond, 20-anyos; Miguel, 19-anyos; at Sonny Boy, 18-anyos, na mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad.

Nagkakahalaga ng P10,000.00 ang nakumpiskang dalawang bloke ng marijuana mula sa mga suspek.

Mahaharap ang mga estudyante sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: buy bust, Marijuana, buy bust, Marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.