Nasa 77 private armed groups, tinutunton na ng PNP

By Angellic Jordan October 14, 2018 - 09:46 AM

Pinaghahanap na ng Philippine National Police o PNP ang hindi bababa sa 77 na aktibong private armed group na may 2,060 miyembro sa buong bansa.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr., 72 mula sa 77 private armed groups ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Alam aniya ng mga armadong grupo na target na sila ng pulisya.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Durana ang mga armadong grupo na pag-isipang mabuti ang bawat kilos o magsimula na lang magtanim ng kamote bago matunton ng pulis.

Nagsimula aniya ang operasyon ng pulis dalawang buwan na ang nakalilipas.

Sinabi pa ng opisyal na patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng PNP ukol sa eksaktong bilang nito kung saan aabot sa 100 hanggang 200 na grupo ang tinututukan ng pulisya

Sa ngayon, hindi aniya aktibo ang mga ito at naghihintay ng tyempo sa pag-atake.

 

TAGS: Private Armed Groups, Private Armed Groups

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.