Ozamis City Police C/Insp. Jovie Espenido, nareassign sa Catanduanes

By Angellic Jordan October 14, 2018 - 09:36 AM SHARE(S):

 

Nakatakdang italaga si Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Catanduanes.

Pinirmahan ang memorandum for reassignment ni Espenido noong October 11, 2018.

Naging maingay ang pangalan ni Espenido dahil sa pagkamatay ng ilang bigtime drug suspects noong siya pa ang hepe ng Albuera Police.

Kabilang dito ang pagkamatay ng umano’y drug lord na si Mayor Rolando Espinosa habang nakakulong.

Marami naman ang nakakapansin na natatalaga si Espenido sa mga lugar kung saan namumuno ang mga inaakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “narco-politicians.”

 

TAGS: Narco politicians, Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido, Narco politicians, Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.