WATCH: TienDA Malasakit sa Taguig, dinumog

Dinumog ng mga mamimili ang TienDA Malakasakit sa Taguig City, ngayong araw ng Linggo (October 14).

Ayon sa Department of Agriculture o DA, ito ang kanilang pinakamalaking TienDA Malakasakit store sa ngayon.

Katuwang ng DA ang lokal na pamahalaan ng Taguig City sa paglulunsad ng unang TienDA sa lungsod na matatagpuan sa The Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Mahigit apatnapu’t limang grupo ng mga magsasaka at kooperatiba mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagbebenta ng kani-kanilang mga produkto sa nasabing TienDA Malasakit store.

Kabilang sa mga mabibili sa TienDA Malasakit store sa Taguig ay mga gulay at prutas, iba’t ibang uri ng mga isda, mga bigas at mais, exotic delicacies at marami pang iba na tiyak na abot-kaya ang halaga.

Makakabili rin sa TienDA Malasakit sa Taguig ng mga kamatis na mula sa lalawigan ng Laguna.

Nauna nang napabalita na napilitan ang mga magsasaka sa Laguna na itapon ang kanilang mga panindang kamatis na hindi nabenta dahil sa over-supply.

Read more...