Grade 7 student, patay matapos tamaan ng kidlat sa Leyte
By Angellic Jordan October 14, 2018 - 08:48 AM
Patay ang isang Grade 7 student makaraang tamaan ng kidlat sa Bato, Leyte.
Ayon sa kanyang guro, nakatayo malapit sa isang puno sa bahagi hardin ng paaralan ang biktimang si Richar Nabor nang biglang tamaan ng kidlat.
Natagpuan na lamang ang 13-anyos na biktima na nakahiga sa sahig.
Dahil dito, nagbabala ang mga otoridad sa mga residente na manatili muna sa kani-kanilang bahay dahil sa umiiral na thunderstorm sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.