Kapamilya artists, excited nang maka-trabaho sa Regine Velasquez

October 14, 2018 - 08:37 AM

 

Excited na ang ilang Kapamilya artists sa inaasahang paglipat sa ABS-CBN ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Sa latest photo ni Regine sa kanyang Instagram account na may caption na “See you guys in Sydney,” nagkomento ang mga kilalang celebrities ng Kapamilya network.

Comment ni Kim Chui, “yazzzzz queen!!!!!”

Si Angeline Quinto naman, bumati kay Regine ng “Magandang umaga po sa aming Reyna. I love you idol.” Habang ang kapwa nito singer na si KZ Tandingan, hindi itinago ang kilig at sinabing “grabe, sobra ako na-excite.”

Sa hiwalay na post ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid, sinabi nitong excited din siya sa inaabangang pagiging bahagi ng kanyang misis sa ASAP Sydney sa October 20.

Kinumpirma na ng GMA-7 ang pasya ni Regine na umalis sa kanilang network, makalipas ang dalawang dekada bilang isang Kapuso.

Nauunawaan umano ng GMA network ang desisyon na Regine na sumama sa kanyang asawa sa ABS-CBN.

 

TAGS: ABS-CBN, gma network, Regine Velasquez, ABS-CBN, gma network, Regine Velasquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.