Easterlies, nakakaapekto pa rin sa bansa

By Rhommel Balasbas October 14, 2018 - 06:45 AM

Walang nakikitang sama ng panahon ang PAGASA na makakaapekto sa bansa sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng ahensya, easterlies lamang o mainit na hangin mula sa dagat-Pacifico ang umiiral at nagdudulot ng mahihinang pag-ulan sa Silangang bahagi ng bansa.

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Quezon, Aurora, CARAGA at Davao region dahil sa easterlies.

Sa buong Visayas at natitirang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay inaasahan ang maalisangang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, may nakataas pa ring gale warning sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Dahil dito, mapanganib ang paglalayag ng mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.