Ito ay matapos masawi ang nasa 22 katao habang marami pa ang nawawala dahil sa flashfloods at landslides bunsod ng walang-tigil na pag-uulan sa western Indonesia.
Mula noong Miyerkules ay tuloy-tuloy ang buhos ng ulan na nagresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Sumatra Island.
Ayon kay National Disaster Agency Sutopo Purwo Nugroho, 17 ang kumpirmadong patay sa North Sumatra habang lima naman sa West Sumatra.
Labing-isa sa mga nasawi ay estudyante mula sa Muara Saladi Village matapos ang mga itong tamaan ng isang building na nasira ng flashflood.
Nasa dose-dosenang bahay din ang nasira.
Pahirapan ang search and rescue operations sa ilang mga lugar dahil sa landslides ayon kay North Sumatra disaster agency head Riadil Lubis.